Monday, January 28, 2013

Usapang SINGLE



SINGLE . Define word SINGLE .. Oh ano ? Nakaka-relate ka ? Kasi Single ka din ?! Emote ka na kagad diyan ?! Tigilan mo yan jusme ! .. Balik tayo sa salitang Single nga e diba . 

S.I.N.G.L.E
  • In music 
-A song release
  • In sports
-Single (baseball) the most common type of hit
-Single(cricket) point in cricket
-Single(football) canadian football point

  • In OTHER FIELDS
"Single" means a slang term for a one dollar bill
  • IN PERSON 
"Single"- someone who is not in a relationship or unmarried .

O gets mo na ? 
Sa panahon ngayon , Madaming single .. 

Single kasi pinili nila ,
Single kasi strict daw parents nila , 
Single kasi di nila trip yung mga nasa paligid nila , 
Single kasi STUDY FIRST ! 
Single kasi busy kuno
Single kasi wala namang lumalapit
Single kasi punyeta USO ! 

Ikaw saan ka dyan ?

Hmm ang dami kong naririnig at nakikita SINGLE kasi USO DAW ? 
Di nga friend ?  Yan tayong mga pinoy e , Sasabihin kasi "USO" 
Nakiki-uso sa lahat ng bagay na di naman dapat bagayan at paki-Usuhan .
Okay lang sana kung single ka kasi nag-aaral ka ng mabuti kasi may pangarap ka o whatever . 
Pero nakakarindi lang sa mga tao ngayon .. Yung magpaparinig pa sila na SINGLE AKO ! SINGLE AKO ! Sasagot naman yung isa "Bakit ? " Sagot mo " USO E" . 
Yung totoo ATE/KOYA .. Nagpaparinig ka para mapansin o sadyang nakiki-uso lang ?



-----

Meron namang mga single na, Haaaay o.O Marunung masaktan 
SINGLE KA NA NGA , Nasasaktan pa din ?
Ah okay , Wag ka mag-alala di ka nag iisa no' Madami tayo :3
Hindi naman kasi maiiwasang masaktan .. Lalo na pagdating kay Crush diba ?
Yung eksenang ang ganda ganda ng ngiti mo tapos may eeksenang gf/bf siya ni CRUSH ! 


WAAAAAAAAAAAAAAH ! Yung nasa utak mo 
"K ! DIE ! " 
" ANG SAKIT"
"SHIT ! TAGOS TO THE BONES"
"DI KO NA KAYA"
"DI NIYO KASI ALAM YUNG NARARAMDAMAN KO"
At marami pang iba , Alam niyo yan  ! 
 

Tapos makalipas ng ilang araw o oras nga lang okay ka na , MOVE ON NA ! YEHEY ! (kahit hindi naging kayo) Yan tayo e' Naging BITTER KA NA .. Sasabihin mo lang hindi !  Wala ka ng care kunwari kay crush pero deep inside you're heart is still aching :( AWWW .

Alam niyo , Wala naman negative thing sa pagiging bitter .. Sabi nga " It's just a way of showing others that in life, there's such a thing as I STILL LOVE YOU , BUT I DON'T WANNA CARE ANYMORE"  
Diba ? Bongga ! ..

Tatapusin ko na nga ito , Alam niyo natural lang siguro itong mga nararamdaman ng mga taong single .. May mga bagay bagay lang talaga sa buhay nila na sila lang yung nakakaintindi at nakakaramadam kasi nga diba iba iba tayo .. 
Walang masama sa pagiging single man o in a relationship basta maging totoo ka lang sa sarili mo . Hangga't wala kang nabubunggong iba na mas nakakataas sayo o nakakababa man gawin mo hangga;'t gusto mo alamin mo lang ang tama o mali sa mga gagawin at ginagawa mo .

SA MGA SINGLE : 

Wag kayong mag-alala .. May plan si Lord God para sa atin na mas nakakabuti sa ating buhay , Wag kang magmadali . Enjoy your life nga diba ? Stay always happy and be POSITIVE ! 
AJAAAAAAA ! 



Saturday, January 26, 2013

My Bestfriend

Meet my bestfriend , my cousin and my self-proclaimed sister . Her name is Brigette Imeeden Tabug Timkang. Yung mommy niya kapatid ng daddy ko kaya mag-pinsan kami. Bata pa lang kami , kami na talaga yung tandem sa Tabug Family kumbaga Partners in crime . Sa apat na dalaga mag pipinsan kaming dalawa yung pinaka-close .. Alam namin yung isa't isa, Sa ugali , sa asta , sa pananalita at kung ano ano pa. Siya nga din taga-ayos ng damit ko hmm , I mean ginagawa niya akong barbie at sya yung magbibigay ng damit na dapat kung suotin kasi baduy ako pumorma .. Kung ano ang kina-boyish ko na asta e kina-bakla at babaeng pumorma naman nito ni Brigette. Siya lang tinuturing kong ONLY ONE , Only one bestfriend na andyan lagi yung kahit lumipas ang mga taon magkakilala at magkakilala pa rin kami . Wala man akong bestfriend na iba okay lang basta andiyan si Brigette .







Noong bata pa ako siguro mga age of 6 or 7 everytime na pupunta sa bahay namin yung papa niya or sila sumama ako pag uwi nila sa bahay nila sa Baliuag,Bulacan . Mamasyal kami dun o kaya mag sswimming





Kami kasi yung tipo ng mag-pinsan na ang hirap pag hiwalayin (kahit magkalayo kami diba?)
Sandalan namin ang isa't isa kapag may secrets o problem . Kahit ako yung ATE minsan nakakalimutan na namin yung edad kasi parang magkasing tanda naman na lang kami. Bonding namin ang sumayaw , kumanta, mag picture kung saan saan, gumala at kumain :)) 





Ngayon mga dalaga na kami , May boys na napag-uusapan .. Hindi na nawawala yung lovelife uwing magkausap kami .. Last na kita namin last October nung namatay si Lola Cita namin , Kami yung pinaka-nasaktan na apo sa lahat dahil ilang years din kaming nag-stay sa province at dun nag-aral para mabantayan sila lolo at lola.. 




Kung baliw lang sa baliw , Number 1 kami diyan ni Brigette , May special bond kami na kaming dalawa lang yung nakakagawa :) Syempre sa amin na yun . Yung mga times na yan buong buo ako kasi kasama ko siya, Ang saya at sarap ng feeling pag magkasama kami .







Tayong lahat ay may kanya kanyang kwento sa bestfriend , May kanya kanya tayong type sa bestfriend , sariling pag kakaintindi sa bestfriend at may kanya kanyang pakikisama sa bestfriend . Para sa akin ang bestfriend ay ang taong kahit gaano man kalayo ang distance niyo kayo at kayo pa rin . Parang LOVERS lang ang peg . Kung may ililigtas man sa lumulubog na barko siya ang pipiliin at hindi si Boyfriend o Girlfriend. Hindi yung nagpapatawa sayo kapag andyan lang siya ang bestfriend yung MALAYO PA LANG NATATAWA KA NA o RAMDAM MO NA YUNG AURA Niya . 

Balang Araw ..

Hi ! Ako si Cha, bata pa lang ako gusto ko na maging lawyer o abogado . Sabi kasi sakin nung bata pa lang ako madaldal daw ako at madaming rason . Magaling din daw ako makipag-away kung kani-kanino (HAHAHA).Actually ako nga nagliligtas sa kuya ko kapag may umaaway sakanya nung elementary pa lang kami . Hindi ko alam kung bakit gusto ko mag-abogado e' kung iisipin niyo mahirap yon diba? Mag-aaral ka muna ng pre-law course tapos mag eexam ka ulit para makapasa sa proper .. Baka tumanda ka na lang kaka-aral nun , hindi naman ako ganun kasipag mag aral Ay ewan ! Basta .
 Bagay naman siguro ako maging abogado diba? Hmm . Kaya lang di ako yung taong malakas ang loob pagdating sa mga ganyang bagay . Mababaw lang ho ang aking luha , madaling / mabilis umiyak. Yung totoo hindi ako ganun kagaling mag-english di kasing galing ng mommy at kuya ko :) Alam ko naman sa sarili ko kung hanggang saan lang ang kaya ko .
 Kung LEADERS lang ang pag-uusapan , Aba pwede ako diyan .. Magaling naman ako sa paghawak ng isang case para maging leader .. Maasahan ako diyan dahil gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lahat .

Nang nasa highschool level ako , Sinabi ko sa sarili ko na gusto ko maging militar o sundalo . Gusto ko makapasok sa Philippine Military Academy o kaya Philippine Merchant Marine Academy. Na-eenganyo ako sa pag marcha nila , sa kilos at tindig nila. Na-iinspire ako sa mga kwento nila .. Naiinggit ako sa galaw nila , Para sa akin perfect sila kasi matatalino , disiplinado , matitikas sila . 


 Pinangarap ko din na makasuot ng galla na suot suot nila everytime na makikita ko sila sa TV . Nang mag-3rd year HS ako pumasok kasi ako sa CAT . Sumali ako para maging COCC at nakapasa . Tulad nila dumaan din ako sa mga pahirap at training . Gapang , ikot , squatras , push ups , etc. At ng maging officer na ako dun ko narealize na kaya ko ! Kaya ko makapasok sa military school basta wag lang mag-inarte maging totoo lang sa sarili at determinado ka . At higit sa lahat nasa puso mo ang pagiging cadet .

Kahit anong kagustuhan natin balang araw matutupad panigurado .. Basta siguraduhin lang na kikilos tayo at hindi mag tatamad tamadan . Gawin ang lahat ng makakaya, hindi yung iaasa ang lahat sa poong maykapal . Syempre kagustuhan natin iyan dapat may gawin din tayo para matupad.
.