Saturday, January 26, 2013

Balang Araw ..

Hi ! Ako si Cha, bata pa lang ako gusto ko na maging lawyer o abogado . Sabi kasi sakin nung bata pa lang ako madaldal daw ako at madaming rason . Magaling din daw ako makipag-away kung kani-kanino (HAHAHA).Actually ako nga nagliligtas sa kuya ko kapag may umaaway sakanya nung elementary pa lang kami . Hindi ko alam kung bakit gusto ko mag-abogado e' kung iisipin niyo mahirap yon diba? Mag-aaral ka muna ng pre-law course tapos mag eexam ka ulit para makapasa sa proper .. Baka tumanda ka na lang kaka-aral nun , hindi naman ako ganun kasipag mag aral Ay ewan ! Basta .
 Bagay naman siguro ako maging abogado diba? Hmm . Kaya lang di ako yung taong malakas ang loob pagdating sa mga ganyang bagay . Mababaw lang ho ang aking luha , madaling / mabilis umiyak. Yung totoo hindi ako ganun kagaling mag-english di kasing galing ng mommy at kuya ko :) Alam ko naman sa sarili ko kung hanggang saan lang ang kaya ko .
 Kung LEADERS lang ang pag-uusapan , Aba pwede ako diyan .. Magaling naman ako sa paghawak ng isang case para maging leader .. Maasahan ako diyan dahil gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lahat .

Nang nasa highschool level ako , Sinabi ko sa sarili ko na gusto ko maging militar o sundalo . Gusto ko makapasok sa Philippine Military Academy o kaya Philippine Merchant Marine Academy. Na-eenganyo ako sa pag marcha nila , sa kilos at tindig nila. Na-iinspire ako sa mga kwento nila .. Naiinggit ako sa galaw nila , Para sa akin perfect sila kasi matatalino , disiplinado , matitikas sila . 


 Pinangarap ko din na makasuot ng galla na suot suot nila everytime na makikita ko sila sa TV . Nang mag-3rd year HS ako pumasok kasi ako sa CAT . Sumali ako para maging COCC at nakapasa . Tulad nila dumaan din ako sa mga pahirap at training . Gapang , ikot , squatras , push ups , etc. At ng maging officer na ako dun ko narealize na kaya ko ! Kaya ko makapasok sa military school basta wag lang mag-inarte maging totoo lang sa sarili at determinado ka . At higit sa lahat nasa puso mo ang pagiging cadet .

Kahit anong kagustuhan natin balang araw matutupad panigurado .. Basta siguraduhin lang na kikilos tayo at hindi mag tatamad tamadan . Gawin ang lahat ng makakaya, hindi yung iaasa ang lahat sa poong maykapal . Syempre kagustuhan natin iyan dapat may gawin din tayo para matupad.
.

No comments:

Post a Comment