Meet my bestfriend , my cousin and my self-proclaimed sister . Her name is Brigette Imeeden Tabug Timkang. Yung mommy niya kapatid ng daddy ko kaya mag-pinsan kami. Bata pa lang kami , kami na talaga yung tandem sa Tabug Family kumbaga Partners in crime . Sa apat na dalaga mag pipinsan kaming dalawa yung pinaka-close .. Alam namin yung isa't isa, Sa ugali , sa asta , sa pananalita at kung ano ano pa. Siya nga din taga-ayos ng damit ko hmm , I mean ginagawa niya akong barbie at sya yung magbibigay ng damit na dapat kung suotin kasi baduy ako pumorma .. Kung ano ang kina-boyish ko na asta e kina-bakla at babaeng pumorma naman nito ni Brigette. Siya lang tinuturing kong ONLY ONE , Only one bestfriend na andyan lagi yung kahit lumipas ang mga taon magkakilala at magkakilala pa rin kami . Wala man akong bestfriend na iba okay lang basta andiyan si Brigette .
Noong bata pa ako siguro mga age of 6 or 7 everytime na pupunta sa bahay namin yung papa niya or sila sumama ako pag uwi nila sa bahay nila sa Baliuag,Bulacan . Mamasyal kami dun o kaya mag sswimming
Kami kasi yung tipo ng mag-pinsan na ang hirap pag hiwalayin (kahit magkalayo kami diba?)
Sandalan namin ang isa't isa kapag may secrets o problem . Kahit ako yung ATE minsan nakakalimutan na namin yung edad kasi parang magkasing tanda naman na lang kami. Bonding namin ang sumayaw , kumanta, mag picture kung saan saan, gumala at kumain :))
Ngayon mga dalaga na kami , May boys na napag-uusapan .. Hindi na nawawala yung lovelife uwing magkausap kami .. Last na kita namin last October nung namatay si Lola Cita namin , Kami yung pinaka-nasaktan na apo sa lahat dahil ilang years din kaming nag-stay sa province at dun nag-aral para mabantayan sila lolo at lola..
Kung baliw lang sa baliw , Number 1 kami diyan ni Brigette , May special bond kami na kaming dalawa lang yung nakakagawa :) Syempre sa amin na yun . Yung mga times na yan buong buo ako kasi kasama ko siya, Ang saya at sarap ng feeling pag magkasama kami .
Tayong lahat ay may kanya kanyang kwento sa bestfriend , May kanya kanya tayong type sa bestfriend , sariling pag kakaintindi sa bestfriend at may kanya kanyang pakikisama sa bestfriend . Para sa akin ang bestfriend ay ang taong kahit gaano man kalayo ang distance niyo kayo at kayo pa rin . Parang LOVERS lang ang peg . Kung may ililigtas man sa lumulubog na barko siya ang pipiliin at hindi si Boyfriend o Girlfriend. Hindi yung nagpapatawa sayo kapag andyan lang siya ang bestfriend yung MALAYO PA LANG NATATAWA KA NA o RAMDAM MO NA YUNG AURA Niya .
No comments:
Post a Comment